Paggawa ng Blog

     Sa panahon ngayon marami na ngayon ang mga taong gusto gumawa ng kanilang mga blog at meron din naman mga estyudante katulad ko na inaanyaya na gumawa ng blog para sa kanilang assignment sa subject nila. Kung isa ka sa mga ito at gustong malaman kung paano mag blog, nasa tamang lugar ka. 

    Bago muna tayo mag simula, ano nga ba ang blog? Ang Blog ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't-ibang mga partikular na paksa. Maari bang kumita sa pagba-blog? Kumikita ang mga blogger sa pamamagitan ng paglagay ng advertisement sa kanilang blogs kagaya ng AdSense.

    Marami nang mga free website builders ngayon tulad ng wix,squarespace, wordpress, weebly at blogger.

    Kung baguhan ka palang or first time kang gagawa ng blog inirerekomenda ko ang website na blogger.com ang gamitin mo. Kung concern ka na safe ba itong website, ang blogger.com ay pag mamay-ari ng google at user friendly ang platform na ito.

    Sa pamamagitan lang ng Google account mo, maari ka nang gumawa ng sarili mong blog at dahil sa pagmamay-ari ito ng Google madali lang ang pag apply sa adsense kapag imomonetize mo na ang iyong blog at pwede mo na itong pagkakitaan.


Paano gumawa ng blog gamit ang Blogger.com

1. Pumunta sa blogger.com at i click ang "create your blog"











2. I sign-in ang inyong gmail account











3. Pagkatapos mong mag sign-in, ilalagay mo ang pangalan ng magiging blog mo












4. At sa address naman ay ilalagay mo ang magiging url ng website mo











5. Pagkatapos, ilalagay mo ang magiging pangalan mo(Authors name)


  









6. Pagkatapos nito ay i click mo ang new post/bagong post





















7. Congratulations! maari kanang gumawa ng sarili mong blog.



Ngayon puwede ka nang magsimulang mag post ng mga blog mo.
Kapag sapat na ang content ng iyong blog, maari mo na itong mai momonetize sa adsense.

Maraming salamat sa pagbabasa. Kung may natutunan ka sa post na ito ay ikinagagalak kong makatulong sa iyo, kung meron kang katanungan (wag naman sana,charot!) mag comment ka lang sa baba at sa muli paalam




Comments

Post a Comment